Connect with us

National News

Trillanes sinampahan ng plunder case si dating Pang. Rodrigo Duterte at Senator Bong Go

Published

on

Sinampahan ng kasong graft and plunder ni former Senator Antonio Trillanes si former president Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go nitong Biyernes sa Department of Justice (DoJ).

Dala-dala ni Trillanes ang kahong-kahong papeles sa paghahain ng reklamo sa dalawa kaugnay sa maanomalyang pag-award ng P6.6-B halaga ng infrastructure projects.

Base sa reklamo ni Trillanes, minanipula nina Duterte at Go ang awarding ng daang-daang government contracts sa mga top contractors sa Davao Region particular ang CLTG Builders at Alfrego Builders & Supply na umano’y pagmamay-ari ng ama at kapatid ng senador.

Ginamit umano ni Duterte ang kanyang posisyon para paboran ang pamilya ni Go.

Lumalabas umano sa record ng CoA na nasa P6.6 billion halaga ng kabuuang 184 government contracts ang na-award sa CLTG Builders and Alfrego Builders & Supply mula 2007 hanggang 2018.