Connect with us

Sports

Gilas nilaglag ng Brazil sa semis ng FIBA OQT

Published

on

Gilas nilaglag ng Brazil sa semis ng FIBA OQT

TINULDUKAN ng Brazil ang kampanya ng Gilas Pilipinas para sa pangarap na ticket sa Paris Olympics.

Ito ay matapos payukuin ng Brazil ang national team sa score 71-60, sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia nitong Sabado ng gabi.

Sa pagpasok ng first at second quarter, hawak ng Gilas ang kalamangan pero bumawi naman ang Brazilians sa second half at dinomina na nila ang laro hanggang sa last quarter.

Sinubukan pang bumangon ng national team pero hindi na ito naka-recover sa malaking agwat ng Brazil.

Samantala, nanguna si Justin Brownlee sa nationals na may 15 points at 8 rebounds, habang nagdagdag naman si Dwight Ramos ng 13 points sa knockout match.