Connect with us

Sports

Alas Pilipinas, laglag na sa FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup

Published

on

Nagwakas ang kampanya ng Alas Pilipinas sa FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup matapos talunin ng Vietnam sa straight sets sa score na 25-14, 25-22, 25-21.

Tanging ang winner lamang sa bawat quarterfinal match ang aabante sa susunod na round.

Makakaharap naman ng Vietnam sa semis ang Czechia habang maglalaban naman ang Puerto Rico at Belgium.

Kung sino naman ang mananalo sa Challenger Cup ay iyon ang papasok sa 2025 Women’s Volleyball Nations League.