Aklan News
Hand grenade, itinurn-over ng isang magsasaka sa Kalibo PNP
ITINURN-OVER ng isang magsasaka sa Kalibo PNP station ang isang hand grenade nitong Linggo.
Ang naturang magsasaka ay isang 48-anyos na lalaki at residente ng barangay Tigayon, Kalibo.
Aniya, halos dalawang taon nang nasa kanya ang nasabing granada.
Bigay umano ito sa kanya ng kanyang kaibigan.
Kaagad naman itong itinurn-over ng Kalibo PNP sa Aklan Provincial Explosives and Ordnance Disposal and Canine Unit para sa karampatang disposisyon.
Continue Reading