Connect with us

Aklan News

Lalaki tinaga ng kainuman sa Balete

Published

on

TINAGA ng kainuman ang isang lalaki sa Sitio Binaklingan, Brgy. Archangel, Balete nitong Linggo.

Kinilala ang biktimang si Pet Anthony But, 34-anyos, residente ng nabanggit na lugar na nagtamo ng sugat sa kanyang ulo.

Nakilala naman ang suspek na Mars Cebuano, 25-anyos ng Sitio Talimanok, Brgy. Morales sa bayan rin ng Balete.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Balete PNP, umaga pa lang ay magkasama nang nag-iinuman ang biktima at suspek.

Ngunit, nauna umanong umuwi ang biktima dahil malapit lang ang bahay nito.

Sa pag-uwi naman ng suspek ay nagsisigaw ito malapit sa bahay ng biktima na parang naghahamon ng away.

Dahil dito, lumabas ang biktima at doon na nagsimula ang kanilang mainit na sagutan kung saan, nang tumalikod umano ang biktima ay dali-dali itong tinaga ni Cebuano gamit ang dalang bolo.

Tinamaan sa ulo ang biktima na patuloy pang ginagamot ngayon sa ospital.

Samantala, sumuko naman sa Balete PNP ang suspek at posibleng maharap ngayon sa kasong Frustrated homicide.