Connect with us

International News

41 patay, higit 170 sugatan sa pagpapaulan ng missile ng Russia sa Ukraine

Published

on

This photo is for illustration purposes only.

Nagpaulan ng missile ang Russia sa Ukraine na kumitil sa buhay ng 41 sibilyan kasama ang mga bata sa isang children’s hospital nitong Lunes.

Sinabi ni President Volodymyr Zelensky na mahigit 100 na gusali ang nasira kasama ang mga ospital, nursery, maternity at mga business center sa Kyiv.

Ayon sa Interior Ministry, may mga pinsala ring naitala sa mga syudad ng Kryvyi Rih at Dnipro.

Ginawa ang pag-atake isang araw bago ang tatlong araw na summit ng mga leader ng mga bansang kasali sa NATO kung saan ang giyera sa Ukraine ang isa sa kanilang mga tinututukan.

Sa isang pahayag, sinabi ng White House na gagawa ng hakbang ang Washington at ang NATO allies para palakasin ang air defence ng Ukraine. with reports from Reuters