Connect with us

Aklan News

SK chairman ng barangay Torralba, arestado sa kasong direct assault

Published

on

Kulungan ang bagsak ng SK Chairman ng Brgy. Torralba, Banga matapos itong silbihan ng warrant of arrest sa kasong Direct Assault dahil sa pagsuntok nito sa isang police.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PLt Loy Jay D. Fantilaga, Deputy chief ng Banga PNP, naganap ang insidente ng panununtok noong Enero 30 kung saan nagkaroon ng komosyon sa isang event sa Brgy. Torralba, Banga na sangkot ang naturang SK Chairman.

Sinasabing, nadaanan ito ng nasabing police na residente ng Daguitan, Banga kung saan ay nagpakilala itong police bago pumagitna ngunit sinuntok parin ito ng naturang SK.

Samantala, paglilinaw naman ng Torralba Barangay Council hindi umano sangkot ang kanilang SK Chairman sa unang komosyon na naganap at pumagitna lamang ito.

Kaninang umaga naaresto ang suspek sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na inisyu laban sa kanya.

Nasa P36,000 naman ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantala nitong kalayaan.