Aklan News
Boracay Island sa bayan ng Malay kabilang sa 34 areas sa Western Visayas na idineklarang rabies-free
Kabilang ang Boracay Island sa bayan ng Malay, Aklan sa 34 na areas sa Western Visayas na idineklarang rabies-free.
Maliban sa Boracay Island, idineklarang rabies free din ang 32 areas sa Iloilo Province, at isa sa Mararison, Island sa Culasi, Antique.
Ayon kay Dr. Marie Jocelyn Te, infectious disease unit head ng Department of Health Western Visayas Center for Health and Development (DOH WV CHD), ang Iloilo ang may pinakamaraming na bilang ng mga areas sa buong Pilipinas na naideklarang rabies-free.
Ang deklarasyon ng mga barangay o munisipalidad bilang rabies-free ay dahil sa kanilang implementasyon at pagpapanatili ng programa sa libreng bakuna sa aso, kung saan layong itaas ang kamalayan sa mga sakit na maaaring makuha sa aso.
Maliban dito, tinuturuan din ang mga magulang o ang komunidad kung paano maiiwasan ang rabies lalo na sa mga kabataan.
Kasama na dito ang pagtatayo ng mga animal bite center, pagtatatag ng mga impounding system para sa mga pagala-galang hayop, at pagsusulong ng kamalayan sa responsableng pangangalaga ng hayop.