Connect with us

Aklan News

SK Chairman ng Brgy. Torralba na naaresto sa kasong direct assault, nakapiyansa na

Published

on

Nakapaglagak ng piyansa ang SK Chairman ng Brgy. Torralba, Banga matapos makapagpiyansa ng P36,000 sa kasong direct assault kahapon, July 10.

Kung matatandaan, umaga kahapon nang maaresto ang naturang SK chairman sa pamamagitan ng warrant of arrest na inissue laban dito.

Ang pinag-ugatan ng kaso ay ang pagsuntok nito sa isang pulis na pumagitna sa komosyong naganap sa isang event sa Brgy. Torralba noong January 30.

Samantala, ini-release din ng Banga PNP ang naturang SK matapos na makapagpiyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.