Connect with us

International News

South Korea mag-dedeploy ng ‘StarWars’ laser weapons na tatarget sa drones ng North Korea

Published

on

Mag-dedeploy ang South Korea ng laser weapons na tatarget sa drones ng North Korea ngayong taon.

Ang SoKor ang kauna-unahang bansa na gagawa ng hakbang na ito na tinawag nilang ‘game changer sa battlefield’

Tinawag ito ng South Korea na “StarWars project.”

Titirahin ng laser weapons ang mga lumilipad na drones sa pamamagitan ng pagsira ng engine nito at mga electric equipment sa loob ng sampu hanggang 20 segundo.

Nag-uunahan ang mga bansang South Korea, China at United Kingdom sa pag-develop ng mga laser weapons na makatutulong sap ag-taerget ng mga unmanned system, missile o mga satellite.