Connect with us

Capiz News

Nakainum na pulis, umano’y tinutukan ng baril ang dalawang lalaki

Published

on

Natakot ang dalawang lalaki matapos umanong tutukan ng baril ng isang pulis sa Brgy. Bato, Roxas City.

Kinilala ang dalawang lalaki na sina Honeyboy Billoso, 44-anyos na residente ng Brgy. Tanza Sur, Panay Capiz at Don Arbolado, 35-anyos na taga Mongpong.

Ang pulis naman ay residente ng nasabing lugar na isang non-commission Police officer ng Roxas City Police Station.

Sa imbestigasyon ng Roxas City PNP, bibili lang umano sa isang tindahan si Billoso ng bigla itong lapitan ng naturang pulis sabay kuha ng baril sa bag at itinutok sa dibdib nito.

Samantla, tumawid pa sa kalsada ang naturang pulis  at tinutukan rin si Arbolado na nakaupo lamang sa isang motorsiklo.

Dahil sa takot, agad nagreport ang dalawa sa mga kapulisan.

Napag-alaman na nasa impluwensiya umano ng nakalalasing na alak ang pulis nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa nangyari.