Connect with us

Aklan News

Lalaking umano’y binugbog, nasubsob lang pala ang mukha dahil sa labis na kalasingan

Published

on

NASUBSOB ang mukha dahil sa labis na kalasingan at hindi binugbog ang rason kung bakit nagtamo ng black eye at pasa sa mukha ang 21-anyos na lalaki sa Sitio Libtong,Estancia, Kalibo nitong Biyernes ng madaling araw.

Unang naiulat na binugbog umano ang 21-anyos na lalaki habang pauwi ito sa kanilang bahay galing sa inuman.

Samantala lumabas naman sa imbestigasyon ng pulisya na pagkatapos umano ng inuman ay tumayo ito at nawalan ng balanse dahilan upang maisubsob niya ang kaniyang muhka.

Pinagtulungan pa siya ng kaniyang mga kainuman na bigyan ng paunang lunas ngunit tumanggi ito.

Nang tatawagan na umano ang MDRRMO Kalibo ay bigla na lamang itong umiyak at tumakbo pauwi sa kanilang bahay.

Ngunit dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na nito naalala ang mga nangyari.

Dahil sa pag-aalala ng kaniyang mga magulang at sa sumbong nito na siya ay binugbog, agad silang nagtungo sa himpilan ng Kalibo MPS.

Sa ngayon ay naliwanagan na rin ang mga magulang ng lalaki sa totoong nangyari sa kanilang anak.

Continue Reading