Connect with us

National News

La Niña Alert, itinaas ng PAGASA

Published

on

File Photo: Katodo DK Paderes/Radyo Todo Aklan

Itinaas ng State weather bureau PAGASA ang La Niña Alert sa bansa nitong Biyernes sa gita ng patuloy na paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa Central at Eastern equatorial Pacific.

Batay sa monitoring ng weather bureau, mayroong 70% na posibilidad na ang La Niña phenomenon ay maaaring magsimula sa Agosto-Setyembre-Oktubre at posibleng tumagal hanggang sa unang quarter ng 2025.

“The country may experience a higher chance of increased convective activity and tropical cyclone occurrence which may bring above normal rainfall over some parts of the country in the coming months,” pahayag ng PAGASA.

“Potential adverse impacts may include floods and landslides over vulnerable areas, with varying magnitude,” dagdag pa nito.

Continue Reading