International News
Palestinian president sinisisi ang Hamas sa pagpapatuloy ng giyera sa Gaza
Sinisisi ni Palestinian President Mahmoud Abbas ang Hamas sa pagpapatuloy ng giyera sa Gaza kahit na ang Israel at United States umano ang responsable sa pag-atake na kumitil ng maraming buhay ng sa Gaza Strip nitong Sabado.
Sinabi ng Israel na ang pag-atake ay ginawa para patayin si Hamas military chief Mohammad Deif at ang kanyang mga kasamahan.
Hindi naman malinaw kung kasama ang mga ito sa 90 Palestinians na namatay at 300 nasugatan dahil sa pag-atake ayon sa Gaza health ministry.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagtatagumpay ang mga Arab mediators na pinangungunahan ng Egypt na nagpapagitna sa giyera.
Matatandaan na nagsimula ang giyera sa Gaza noong Oktubre 7 kung saan inatake ng mga Hamas ang Israel na ikinamatay ng 1200 na indibidwal at 250 ang ginawang hostage.