Connect with us

Aklan News

Dahil sa kalasingan, rider tumilapon sa minamanehong motorsiklo

Published

on

PHOTOS: MDRRMO Numancia

Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng isang rider matapos itong tumilapon sa minamanehong motorsiklo dakong ala-1:30 kaninang madaling-araw sa bahagi ng Camansi Sur, Numancia.

Batay sa report ng MDRRMO Numancia, nasa impluwensiya ng nakalalasing na alak ang naturang rider.

Sinasabing, habang binabaybay nito ang lugar ay bigla nalang itong nawalan ng kontrol sa pagmamaneho nang dahil sa kalasingan kaya’t natumba ito at tumilapon sa kalsada.

Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang biktima na agad ding binigyan ng paunang lunas ng MDRRMO Numancia bago dalhin sa ospital.

Wala namang iba pang nadamay sa nangyaring aksidente.