Connect with us

Antique News

American national patay matapos malunod habang naliligo sa isla ng Boracay

Published

on

Dead on arrival sa ospital ang isang American national matapos itong malunod habang naliligo sa baybayin ng Sitio Manggayat, Brgy. Balabag , Boracay nitong Lunes.

Ayon kay PSSG Angeles ng Boracay PNP, kasama umano nito ang anak na naliligo sa nasabing babayin nang bigla itong matumba.

Pag-aakala umano ng ibang mga tao roon na naglalaro lamang ito ngunit napansin nalang na bahagya na itong nakalutang sa tubig.

Dali-daling dinala sa dalampasigan ang katawan ng biktima at sinubukang pang i-CPR ng mga nagrescue.

Ngunit pagdating sa ospital ay ideneklara na itong dead on arrival. Samantala, lumalabas sa findings ng doctor na ang ikinamatay nito ay acute respiratory failure secondary to drowning.