Connect with us

Aklan News

Caticlan Jetty Port, kumita ng mahigit P158M mula sa Boracay tourist arrivals sa unang 6 na buwan ng taon

Published

on

KUMITA ng kabuuang P158, 127,897.63 ang Caticlan Jetty Port mula sa tourist arrivals ng Boracay Island.

Ang nasabing halaga ay naitala sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.

May pinakamataas na collection ang buwan ng Marso na mayroong mahigit P28M.

Samantala, mayroon namang P158,322,672 collection ang Cagban Port habang mahigit P37 milyon naman ang mula sa RORO/PFA.

Sa kabuuan, aabot sa mahigit P316M ang nakolekta ng Caticlan Jetty Port para sa unang anim na buwan ng taon. SMV