Connect with us

Aklan News

Motoristang tumakas sa checkpoint, sumemplang sa kalsada

Published

on

Galos sa katawan ang natamo ng isang motorista matapos itong sumemplang sa daan nang tumakas sa isang checkpoint sa bahagi ng Osmena Ave., Brgy. Tigayon, Kalibo dakong alas-10:30 ng gabi nitong Martes.

Ang naturang motorista ay 20-anyos na residente ng Mabulay Road, Brgy. Linabuan Norte, Kalibo.

Batay sa report ng Kalibo PNP, nagsasagawa ng check point ang mga otoridad sa nasabing lugar nang dumaan ang motorista.

Pinara nila ito ngunit imbes na tumigil ay humarurot pa sa pagmamaneho.

Hinabol naman ito ng mga otoridad ngunit hindi pa umano nakakalayo ay bigla itong susmemplang sa kalsada rason para magtamo ito ng mga galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ginamot ang naturang motorista at dinala sa Kalibo Municipal Police Station para issuehan ng ticket sa mga naging bayolasyon nito kabilang ang reckless driving.

Samantala, naka-impound naman ngayon ang motorsiklo para sa karampatang disposisyon.