Connect with us

Health

Pag-iyak, nakakapayat?

Published

on

“Sige, iiyak mo lang ‘yan.”

Ito ang madalas sinasambit ng mga kaibigan natin tuwing malungkot tayo, masama ang loob o ‘di kaya’y broken-hearted.

Pero alam niyo ba na may magandang epekto pala ito sa ating katawan?

Lumalabas kasi sa mga pag-aaral na ang pag-iyak ay nakakabawas ng timbang.

Batay sa pag-aaral ni William Frey, isang biochemist na inilathala sa “The New York Times” noong 1982, ang pag-iyak ay epektibong pantanggal ng toxic substance dala ng stress.

Nakakatulong din umano ang proseso ng pag-iyak sa pag-cleansing ng katawan ng tao kabilang na ang pagbabawas ng timbang.

Ang explanation naman dito ng Tennessee-based stress expert na si Dr Pete Sulack, ay naglalabas umano ang “stress tears” ng “hormones prolactin, adrenocorticotropic hormone, and leucine enkephalin.”

Yung hormone na cortisol, na namamahala sa pag-regulate ng stress levels, ay sinasabing sanhi ng pagkakaroon ng “fat deposition” sa abdominal area ng tao. Kaya sinasabi ng ilang pag-aarala na nakakataba ang stress.

Pero kapag naglabas ang ating katawan ng adrenocorticotropic hormone, nababawasan rin ang cortisol level sa katawan.

Ang mga luha kasi na dala ng matinding emosyon ng isang tao ay tinatawag na psychic tears. Sa natural process na ito, ang ating stress hormone na cortisol ay kusang nagpa-panic dahilan para manatili ang taba sa katawan, lalo na sa tiyan. Kaya ayon sa mga eksperto, kung nais magpapayat, hayaang iiyak ang matinding emosyon.

Mas magiging epektibo umano ito lalo na sa mga nagsisimula ng weight-loss journey, kapag iiyak ka sa pagitan ng alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.

Kaya mga Ka-Todo, pumili na ng nakaka-iyak na K-drama sa inyong watchlist at simulan na nating umiyak. Char lang.  SMV