Connect with us

Aklan News

Pondo para sa HEA ng Kalibo, pwede nang makuha anumang oras sa DOH Region 6

Published

on

Kinumpirma ni SB member Ketchie Luces na handa na ang pondo para sa Health Emergency Assistance (HEA) na matagal ng hinihintay ng mga health workers sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ng konsehal na Chairman ng Committee on Health na ipinaabot sa kanila ng Provincial Health Office na pwede nang kunin anumang oras sa DOH Region VI ang cheke para sa HEA.

Kung matatandaan, personal na pinuntahan ni Luces ang opisina ni DOH Regional Director Adriano Suba-an sa Sta. Barbara, Iloilo nitong nakaraang Miyerkules para ifollow-up ang HEA na ilang taon ng hinihintay ng mga health workers.

Doon niya nakausap ang in-charge sa HEA na si Genevieve Cadornigara at ipinasiguro nito sa kanya na obligated na ang Kalibo sa HEA at sa oras na dumating na ang budget ay agad na itong i-rerelease sa mga taga Kalibo.

Aabot pa P19,103,375 ang HEA na matatanggap ng mga health workers sa bayan ng Kalibo. | MAS