National News
Presyo ng itlog, posibleng tumaas kasabay ng pagsisimula ng pasukan
POSIBLENG magkaroon ng pagtaas sa presyo ng itlog sa merkado kasabay ng pagsisimula ng pasukan ngayong taon.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ito ay dahil sa mataas na demand sa mga itlog.
Aniya pa, inaasahang magtutuloy-tuloy ang mataas ng demand hanggang sa holiday season.
Samantala, sinabi naman ni Philippine Egg Board Association president Francis Uyehara na ang pagtaas ng presyo ng mga itlog sa mga merkado ay bahagi ng tinatawag nilang “third quarter syndrome” o ang panahon ng maraming mga manok ang nagkakasakit
Continue Reading