Connect with us

Aklan News

Dating drug surenderee, arestado sa buy bust operation ng Kalibo PNP

Published

on

Arestado ang dating drug surrenderee sa ikinasang buy bust operation ng Kalibo PNP at PDEU Aklan sa Poblacion, Kalibo, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Christopher “Tope” Parce, 48-anyos, isang tricycle driver na residente ng Purok 13, C.Laserna Street, Kalibo.

Nabilhan ang suspek ng 1 sachet ng shabu kapalit ng P1,000 na buy bust money.

Dagdag pa rito ang 3 sachet ng shabu na nakapaloob sa isang papel na itinapon ng suspek nang hulihin ito ng otoridad at isang sachet ng shabu na nakuha naman sa body search.

Narekober din ang mga cellphone, lighter, IDs, bag at mahigit P4,000 na personal na pera ng suspek.

Tinatayang nasa P6,800 naman ang halaga ng narekober na droga mula kay Parce.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PLtCol. Ricky Bontogon, Chief of Police ng Kalibo PNP, dati umanong surrenderee si Parce dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Mula noong 2016 nang nag-surrender ito ay minomonitor na nila ang suspek.

Inamin naman ni Parce na kahapon ng umaga lang umano ito huling gumamit ng shabu.

Mahaharap si Parce sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.