Connect with us

Aklan News

Motorista sumemplang sa kalsada dahil sa kalasingan

Published

on

Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng isang motorista matapos itong sumemplang sa kalsada ng Brgy. Laguinbanwa East, Numancia dakong alas-2:10 kaninang mdaling-araw.

Napag-alaman na 22-anyos ang naturang motorista na nasa impluwensya ng nakalalasing na alak.

Ayon sa MDRRMO Numancia, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima habang binabaybay ang naturang kalsada bunsod ng kalasingan dahilan para ito’y sumemplang.

Kaagad naman itong nirespondehan ng  mga rescuers at binigyan ng paunang-lunas ang biktima saka isinugod sa ospital.

Samantala, wala namang may iba pang nadamay sa naturang aksidente.