Connect with us

Aklan News

Tindahan sa Jawili pinasok ng 4 na kalalakihan; alak at sigarilyo natangay

Published

on

Huli sa CCTV ang pagpasok ng apat na kalalakihan sa isang tindahan sa Brgy. Jawili, Tangalan nitong gabi ng Linggo.

Kitang-kita ang pag-akyat ng mga ito sa pader para makapasok at ang paghalungkat ng mga ibenebenta sa nasabing tindahan.

Ayon sa post, natangay ng naturang mga kawatan na pawang mga binatilyo ang iba’t-ibang klase ng inumin at aabot sa 10 kaha ng sigarilyo.

Tumakas palayo ang mga ito sakay ng kanilang motorsiklo.

Sa ngayon, nanawagan ang may-ari kung may nakakakilala sa mga ito at sana’y magsilbi na rin umano itong paalala sa iba.

Naireport na rin ang insidente sa mga kapulisan kung saan ay patuloy parin ang imbestigasyon kaugnay rito.