Connect with us

Aklan News

Pagtangay ng lalaki sa isang sakong bigas, nahulicam

Published

on

Photo Courtesy: Jhona Getuya De Felipe
Sapul sa CCTV ang pagtangay ng isang lalaki sa 25 kilong bigas sa loob ng isang gate ng bahay sa Purok 6, Barangay Tinigaw, Kalibo, Aklan.
Sa post ng isang netizen mula sa kopya ng CCTV, kitang-kita rito ang isang lalaki na may suot pang helmet na pumasok sa loob ng gate at kinuha ang naturang sako ng bigas.
Samantala, una na umanong pumasok ang lalaki roon at nagtanong sa may-ari kung may kilalang Cipriano tsaka umalis.
Ngunit nang umalis rin ang may-ari at iniwang bukas ang gate ay bumalik ang suspek para kunin ang bigas sabay takas sakay ng motorsiklo.
Hinala ng may-ari na ang unang pagpasok nito ay ang pagcheck na umano sa lugar kung ano ang makukuha.
Kaugnay nito, nakilala na umano ang naturang kawatan na nakatakdang ipatawag sa Barangay para sa karampatang disposisyon.