Connect with us

Capiz News

Baril ng security guard, aksidenteng pumutok habang nililinis; 2 customer, natamaan

Published

on

Sugatang isinugod sa ospital ang 2 kustomer ng isang bangko sa Arnaldo Boulevard, Barangay Baybay, Roxas City matapos na pumutok ang baril na nililinis ng isang sekyu.

Kinilala ang security guard na si alyas “Nofry”, 40-anyos.

Ayon sa mga kapulisan, nililinis umano ni Norfy ang kaniyang baril nang aksidente itong pumutok.

Tinamaan din ang mismong sekyu ngunit daplis lamang na agad ding ginamot habang ang dalawang kustomer ay isinugod naman sa ospital na hanggang ngayon ay patuloy paring ginagamot.

Samantala, pansamantala namang ikinustodiya sa  Roxas Component City Police Station ang naturang sekyu habang patuloy pang iniimbestigahan ang nangyari.