Connect with us

Aklan News

Tindera sa Altavas Public Market, nabiktima na pekeng P1K bill

Published

on

Tindera sa Altavas Public Market, nabiktima na pekeng P1K bill

Labis ang pagkadismaya ng isang tindera matapos itong makatanggap ng pekeng 1,000 peso bill mula sa hindi nakilalang customer.

Kwento ng kaniyang anak, matiyang  nagbebenta ng mga gulay, mais, at kung ano-anong produkto ang kaniyang ina at kakarampot lamang ang kinikita nito.

Ngunit hindi nila inaasahan na mabibiktima ito ng manloloko.

Sa pagkakatanda ng tindera, isang lalaki ang nagbayad sa kanya ng naturang P1K ngunit hindi nito maalala ang itsura.

Samantala, hindi na rin nagreport sa mga kapulisan ang tindera at ipinasa-Diyos nalang ang nangyari.