Aklan News
Nursing student patay matapos malunod sa Macapio River sa Madalag
PATAY ang isang nursing student matapos malunod habang naliligo sa Macapio River sa Brgy. Logohon, Madalag, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Karen Tumaca, 20 anyos at residente ng Malay, Aklan.
Ayon sa ulat, nagpunta sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima dahilan ng kanyang pagkalunod.
Sinubukan siyang iligtas ng kanyang mga kasamahan ngunit pinulikat umano ito at nahirapan dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog.
Kaagad namang rumesponde ang MDRRMO Madalag at isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Napag-alaman na sumama lamang ang dalaga sa kakilala nito na nagdiwang ng kaarawan sa naturang lugar.
Continue Reading