Connect with us

Iloilo News

“Exclusive franchise” ng electric coop, mahigpit na ipinagbabawal ng konstitusyon — Korte Suprema

Published

on

Photo: Supreme Court

HINDI PINAPAYAGAN ang mga electric cooperatives na magkaroon ng eksklusibong prangkisa sa isang lugar ayon sa Korte Suprema (SC) nitong Huwebes.

Ito’y napagdesisyunan ng Korte matapos ibasura ang petisyon ng Iloilo Electric Cooperative, Inc. I, II, at III (ILECOs) na humahamon sa bisa ng Republic Act No. (RA) 11918.

Ang naturang batas ay nagpalawak sa prangkisa ng electric provider, MORE Electric and Power Corporation (MORE), sa lugar na sakop ng prangkisa ng ILECOS.

“A franchise, as a privilege granted by the state, is not the exclusive private property of the franchisee. Thus, it must yield to serve the common good, as determined by Congress,” saad ng korte suprema sa isang pahayag.

Ayon sa SC, ang ILECO ay mayroong franchise certificates para mag-operate sa mga munisipalidad ng Iloilo province, gayundin sa Passi City.

Mababatid na hawak ng MORE Power ang prangkisa para sa operasyon sa Iloilo City hanggang sa pinalawak pa ng RA 11918 ang prangkisa  nito na isinama ang 15 munisipalidad at isa pang lungsod na nasa ilalim ng exclusive franchise area ng ILECO.

Dahil dito, naghain ang ILECOs ng petition for certiorari and prohibition, at temporary restraining order at writ of preliminary injunction sa nasabing batas.

Iginiit din ng kompanya na nilabag nito ang kanilang karapatan sa mga “exclusive franchises.”

Sa pagbasura sa petisyon, ipinasiya naman ng Korte na ipinagbabawal ng Seksyon 11, Artikulo XII ng Konstitusyon ang mga eksklusibong prangkisa.

Sinabi ng SC na kailangan ang kompetisyon para mapanatili ang kontrol sa presyo ng kuryente.

Nilinaw din ng korte suprema na hindi pinapaboran ng RA 11918 ang MORE Power bilang bagong franchise holder.

“The added powers granted to MORE are needed to ensure it is able to provide  uninterrupted supply of electricity to its covered areas,” pahayag ng SC