Connect with us

Aklan News

Kaso ng dengue sa Aklan, sumampa na sa 154

Published

on

UMAKYAT na sa 154 ang bilang ng bagong kaso ng dengue sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay batay sa dengue bulletin ng Provincial Health Office (PHO) Aklan simula July 21 hanggang July 27, 2024.

Nangunguna naman sa may pinakamaraming kaso ng dengue ang bayan ng Kalibo na mayroong 196 cases; sumunod ang bayan ng Malay (192); Nabas (89); Ibajay (85); Libacao (59); Batan (56); Tangalan (52); Buruanga (52); Makato (47); Banga (34); Lezo (34); Balete (27); Madalag (22) at Altavas na may 18 dengue cases.

Samantala, mula sa 17 bayan sa Aklan, 15 na mayroong clustering ng kaso ng dengue.

Kaugnay nito, hinimok ng PHO ang publiko na panatilihing malinis ang bawat tahanan at kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng dengue na sanhi ng lamok.

Kaagad rin umanong magpakonsulta sa doctor kapag nakaramdam ng mga sintomas ng dengue tulad ng sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, at ang pagkakaroon ng mga pantal.| SMV