Connect with us

Aklan News

Mangangalakal, dead-on-the-spot matapos pagbabarilin sa Numancia

Published

on

DEAD ON THE SPOT ang isang mangangalakal matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek kaninang umaga sa Bulwang, Numancia.

Kinilala ang biktimang si Romel Natabio, 35-anyos na residente ng Purok 6, C Laserna St., Poblacion, Kalibo na pansamantalang nakatira sa Tayhawan, Lezo.

Sa panayam ng Radyo Todo sa ilang mga residente, nagulat nalang umano sila nang biglang makarinig ng apat na putok.

Inakala nilang labintador lang ang kanilang narinig na putok pero tumambad sa kanila ang nakahandusay na katawan ng biktima sa gilid ng kanyang top down na ginagamit sa pangangalakal.

Nagtamo ng tama ng baril sa ulo at tagiliran ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon sa naman sa ilang nakasaksi, sumakay ang suspek sa motorsiklo at dali-daling umalis sa pinangyarihan ng krimen.

Wala pang motibo sa ngayon kung ano ang dahilan ng suspek sa pamamaril.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia PNP at ng SOCO sa insidente habang nagsasagawa na rin ng backtracking ng CCTV footages ang mga kapulisan para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.