Connect with us

Sports

Dinagdagan pa!

Published

on

Ilang oras matapos na ipanalo ni Carlos Yulo ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics para sa Men’s Floor Exercise – gymnastics, sinegundahan niya ito ng isa pang gintong medalya para naman sa Vault Exercise.

Lumikha ng kasaysayan si Golden boy Carlos Yulo bilang una at nag-iisang Pilipino at Southeast Asian na nag-uwi ng medal sa Gymnastics sa Summer Olympics.

Nagpamalas si Yulo flawless performance sa Vault finals at nakakuha ng 15.116 average points. Naungusan niya si Artur Davtyan ng Armenia na nakasungkit ng 14.966 points para sa silver medal, at si Harry Hepworth ng Great Britain na naiuwi naman ang bronze medal nang magtala ng 14.949 points.

Bago pa man sumabak sa Olympics, hawak din ni Yulo ang rekord bilang unang Pilipino at unang lalaking Southeast Asian gymnast na magka-medal sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2018.

Sa ngayon ay meron na siyang 22 gold, 13 silver, at 3 bronze medals na napanalunan niya sa Southeast Asian Games, Asian Championships, at sa Olympics, kung kaya ngayon pa lang ay itinuturing na siyang “most successful Filipino gymnast in history.

Continue Reading