Connect with us

National News

Unity walk bilang suporta sa public utility vehicle modernization program (PUVMP), nilunsad

Published

on

Nagsagawa ng “unity walk” ang iba’t ibang transport groups ngayong araw, Agosto 5, 2024, bilang suporta sa public utility vehicle modernization program (PUVMP).

Nagmartsa mula Welcome Rotonda sa Quezon City patungong Mendiola, Manila ang mga miyembro ng mga kooperatibang pabor sa Public Transport Modernization Program ng gobyerno upang iprotesta ang rekomendasyon ng Senado na suspendihin ang programa.

Giit ng mga miyembrong pro-modernization program, bakit umano ipapahinto ng gobyerno ang programa kung kailan umutang na ng milyun-milyon ang mga drayber at operators?

Ayon pa sa ilang mga participants, hindi umano sila titigil hanggang hindi napapaabot kay Pangulong Marcos Jr., ang kanilang panawagan kasunod ng planong pagsuspinde ng Senado sa PTMP.

Samantala, nag-deploy naman ang Philippine National Police (PNP) ng mga mobile patrols at iba pang mobility assets upang masiguro magiging ligtas at mapayapa ang aktibidad.

Ayon kay PNP chief public information officer Col. Jean Fajardo, bagama’t inirerespeto ng kapulisan ang karapatan ng mga mamamayan na maiparating ang hinanaing sa pamahalaan, magsasagawa pa rin sila ng border control at checkpoint at umaasang maiiwasan ang kahit anong tension habang isinasagawa ang protesta.

Continue Reading