Connect with us

Aklan News

SUV nasapul ng isa pang sasakyan sa Mabini St.

Published

on

YUPI ang likurang bahagi ng isang SUV matapos na mabundol ang isa pang SUV sa bahagi ng Mabini Street, Poblacion, Kalibo nitong Martes ng hapon.

Lumabas sa imbestigasyon ng Kalibo PNP Traffic Section, na parehong tinutumbok ng dalawang sasakyan ang direksyon patungo sa may D. Maagma Street.

Nakatigil umano sa gilid ng daan ang itim na Suzuki Vitara SUV dahil naka-stop pa ang traffic light nang bigla nalang itong nasalpok ng nakabuntot na Toyota Veloz SUV.

Wala namang nasaktan sa nangyaring aksidente.

Samantala, nauwi naman sa areglo ang aksidente matapos na mangako ang drayber ng Toyota Veloz na sasagutin niya ang lahat ng pagpapaayos sa mga nasira.