Connect with us

Aklan News

Storage room ng fastfood sa Boracay nasunog, danyos nasa P320k

Published

on

Umabot sa P320,000 ang iniwang danyos sa pagkasunog ng isang storage room ng fast food chain sa bahagi ng Main Road, Balabag ,Boracay dakong alas 8:42 ng umaga nitong Huwebes.

Napag-alaman na ang naturang kwarto ay puno ng mga nakaimbak na kagamitan na pang maintenance gaya ng mga welding rod alcohol.

Ayon kay F01 John Lord Diaz ng Boracay BFP, napansin ng isang guard ang sunog at nang puntahan ng isang staff ay umaapoy na ang bahagi ng storage room.

Mabilis namang nagresporde ang mga bumbero kaya’t agad ding naapula ang apoy dakong alas-8:51.

Lumabas sa imbestigasyon na, 12,000 sqm ng naturang storage room ang nasunog.

Wala namang nasugatan sa nangyaring insidente.