Connect with us

Aklan News

Perang laman ng piso wifi machine sa tindahan sa may New Washington terminal, ninakaw

Published

on

Nilimas ng kawatan ang perang laman ng isang piso wifi machine sa isang tindahan sa New Washington terminal sa Jaime Cardinal Sin, Brgy. Andagao, Kalibo.

Bukod sa pera, tinangay rin ng salarin ang mga kape na nasa kusina ng tindahan.

Kwento ng tindera, bukas at nakalabas na ang lagayan ng pera ng Piso WiFi machine nang maabutan niya kaninang umaga.

Aniya pa, halos isang buwan palang ang laman ng naturang vendo na tinatayang aabot sa P1,000.

Niransak rin ng kawatan ang opisina ng New Washington operators pero wala namang kagamitan sa loob kaya’t wala silang nakuha.

Tinuklap ng kawatan ang kawayan na dingding na pinaniniwalaang maliit o bata lamang ang magkakasya.

Sa ngayon ay naiparecord na sa Kalibo Municipal Police Station ang insidente.