Connect with us

Aklan News

Bahay sa Jugas, New Washington nilooban; mahigit P300k na halaga ng alahas at P30k cash nalimas

Published

on

NIRANSAK ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang bahay sa Jugas, New Washington nitong Biyernes pasado alas-2 ng hapon.

Ayon sa may-ari na si Edelyn Pioquid, alas-12 umano ng tanghali nang pumunta sila ng Kalibo at walang naiwang tao sa kanilang bahay.

Alas-3 naman ng hapon nang makauwi ang mga ito at dito na tumambad sa kanila ang mga gamit sa loob ng bahay na nakakalat na sa sahig at pinanghalungkat ang mga aparador.

Nang tingnan ang jewelry box ay dito na nito kinumpirma na wala nang laman at nanakawan na sila.

Umabot sa mahigit P300,000 na halaga ng mga alahas ang ninakaw at nasa mahigit P60,000 naman ang perang nawawala.

Winasak din ang emergency exit sa may bintana nito at doon dumaan ang mga suspek.

Ayon sa ilang nakasaksi, mayroon umanong nasa 10 katao ang pumunta sa kanilang bahay.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga kapulisan at ang pamilya Pioquid kung sino ang nanloob sa kanilang bahay. | via Kiervy Revesencio

Continue Reading