Connect with us

Aklan News

Menor edad na lumabag sa curfew, ikinustodiya ng Kalibo PNP

Published

on

Pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo Municipal Police Station ang isang menor de edad matapos itong nahuling lumabag sa curfew.

Napag-alaman na 14-anyos ang naturang batang lalaki at residente ng Oyotorong Street, Poblacion, Kalibo.

Ayon sa Kalibo PNP, habang nagsasagawa sila ng pagpapatrolya nadaanan nila ang dalawang kabataan na palakad-lakad sa kalsada sa bahagi ng Bakhao Sur, Kalibo dakong ala-1:00 kaninang madaling-araw.

Tumakbo naman umano palayo ang isang bata at naiwan ang 14-anyos na batang lalaki.

Dinala ito ng mga kapulisan sa Kalibo PNP station at pansamantalang ikinustodiya.

Samantala, nakuhaan ng kutsilyo ang nasabing menor de edad kaya’t ipinatawag ang magulang nito para sa karampatang disposisyon.