Connect with us

Aklan News

Wanted person sa kasong qualified theft, nadakip ng mga otoridad

Published

on

NADAKIP ng mga otoridad sa bayan ng Kalibo ang isang wanted person sa kasong Qualified Theft nitong Miyerkules.

Sa bisa ng warrant of arrest na inissue ni Hon. Judge Jemena L. Abellar-Arbis na may Criminal Case No.17393 ay tuluyang naaresto si Reynalde Magallanes, residente ng Pook, Kalibo.

Nagtakda naman ng P10,000 na piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP si Magallanes at nakatakdang iharap sa korte bukas ng umaga.

Continue Reading