Connect with us

Aklan News

Motor na binenta ng isang binatilyo, itinakas ng buyer matapos mag test drive

Published

on

ITINAKAS ng isang lalaki na umanoy buyer ang motorsiklo na ibinenta sa kaniya ng isang menor-de-edad nitong Miyerkules ng gabi sa Pook, Kalibo.

Ayon sa 17-anyos na lalaki, nabili niya lamang sa halagang P4,500 ang motorsiklo at ipinaayos ito.

Dito niya nakausap ang lalaking nakilala lamang nito sa Facebook na si Ronel Salvador.

Nagkasundo umano ang mga ito na bibilhin ni Salvador ang motor sa halagang P5,000.

Nag-request pa umano si Salvador na pakargahan muna ng gas ang motor dahil sa ite-test drive niya ito bago bilhin.

Samantala ng i-test drive na ay nagpaikot-ikot lang umano saglit sa Pook Port si Salvador at bigla na lamang humarurot at itinakas ang motorsiklo.

Via Kiervy Revesencio

Continue Reading