Connect with us

Aklan News

Bakery sa New Buswang pinasok ng kawatan; P20K at cellphone, natangay

Published

on

Sapul sa cctv ang pagpasok ng hindi pa nakikilalang kawatan sa isang bakery sa Brgy. New Buswang, Kalibo kaninang madaling-araw.

Napag-alaman na pagmamay-ari ng mag-asawang residente ng Vizcarra Subdivision, Brgy. Andagao, Kalibo ang bakery.

Kitang-kita sa cctv ang isang lalaki na maingat na kinuha ang nakataling kadena na ginamit sa pag-lock ng pinto.

Kwento ng isang baker na naka stay-in sa lugar, dakong alas-12:00 na umano siya nakatulog at wala umano siyang napansin o narinig na kahit anong ingay kahit malapit lang ang kwarto nito sa dinaanan ng kawatan.

Sinasabing, sinadya nilang hindi ikandado ang pinto at tinali lang ang kadena dahil pupunta naman doon ang may-ari ng alas-3:00 ng madaling-araw para isalang ang mga tinapay.

Pero alas-2:00 ng madaling araw ay pumasok ang kawatan at tinangay ang halos P20,000 na pera at cellphone na ginagamit pang gcash.

Dinala pa ng kawatan ang mga kaha na lagayan ng pera at iniwan sa likurang bahagi ng bakery.

Sa ngayon ay naireport na sa Kalibo Pnp ang insidente para maimbestigahan at matukoy ang kawatan.