Connect with us

Aklan News

TRIGGER WARNING: Lalaki, nag-m****rbate sa harap ng isang babae sa Makato

Published

on

Nagsumbong sa mga otoridad ang isang babae na umano’y pinakitaan ng ari ng isang hindi pa nakikilalang lalaki nitong tanghali ng Martes sa bayan ng Makato.

Salaysay ng biktima sa mga otoridad, nagce-cellphone siya malapit sa kanilang pintuan na nakaharap sa kalsada nang biglang may isang motorsiklo na nag-uturn at tumigil sa harap ng kanilang bahay.

Kasunod nito, inilabas ng rider ang kanyang ari at pinaglaruan sa kanyang harapan.

Tumagal pa umano ito ng halos 20 minuto kung saan nakuhaan pa nito ng litrato ang lalaki.

Dito lang umano tumigil ang lalaki at pinaharurot palayo ang kaniyang motorsiklo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Makato PNP para makilala ang naturang lalaki.