Connect with us

Aklan News

Trike driver kulong matapos manilip ng babaeng boarder

Published

on

Himas-rehas ngayon ang isang tricycle driver matapos na ireklamo dahil naninilip umano ng isang babaeng boarder sa bayan ng Kalibo.

Napag-alaman na pagmamay-ari ng pamilya ng 54-anyos na tricycle driver ang boarding house na inuupahan ng 24-anyos na estudyanteng biktima.

Malapit din umano ang bahay ng suspek sa boarding house kaya nandoon ito paminsan-minsan.

Ayon sa ulat, naliligo umano ang biktima nang mapansin nito na may humawi ng kurtina sa maliit na bintana ng CR.

Kinabahan umano ang estudyante kaya kaagad itong nagbihis at tinawagan ang kanyang tiyahin upang magsumbong.

Pinuntahan naman agad ito ng tiyahin at tumawag ng pulis.

Inimbitahan naman ng Kalibo PNP ang tricycle driver at kusa naman itong sumama.

Pahayag ng tricycle driver, wala umano itong masamang plano sa boarder at nais lang sana nitong imbitahan dahil kaarawan ng kaniyang misis.

Aniya, may ginagawa umano ito sa lababo na katabi ng CR at kinausap niya lamang ang boarder habang nasa loob ngunit hindi sumasagot dahil malakas ang gripo.

Para umano malaman ng estudyante na may kumakausap sa kaniya ay sinungkit nito ang kurtina ng stick na kaniyang ginagamit pang-ihaw.

Ngunit nagulat nalang umano ang tricycle driver na umiiyak na ito.

Sa ngayon ay nakakulong sa lock up cell ng Kalibo PNP ang suspek na posibleng sampahan ng kasong Unjust Vexation.