Aklan News
Senior citizen, umano’y dinukutan habang namimili, P30K natangay
Naniniwala ang isang senior citizen na nabiktima ito ng mandurukot habang namimili sa isang establisyemento sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Buruanga matapos na mawala ang kaniyang wallet.
Batay sa imbestigasyon ng Buruanga Pnp, kasama umano ng 65-anyos na babae ang kaniyang anak na namimili sa isang establisyemento sa lugar.
Ngunit nang magbabayad na sana ito ay doon nito nadiskubreha na bukas na ang zipper ng kaniyang bag at wala na rin ang wallet nito na may lamang P30,000.
Nang i-review sa CCTV, nakita rito ang isang lalaki na umano’y kahina-hinala kung kumilos ngunit wala sa mga videos ang nagtuturo na siya mismo ang kumuha ng wallet na nasa bag ng matanda.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otordida kaugnay sa nangyari.