Connect with us

Aklan News

Tricycle driver inireklamo ng pasahero dahil sa mahal na singil sa pamasahe

Published

on

Tricycle driver inireklamo ng pasahero dahil sa mahal na singil sa pamasahe

Nagreklamo sa istasyon ng Kalibo Pnp ang isang babae matapos umano itong singilin ng mahal na pamasahe ng isang tricycle driver sa Kalibo.

Batay sa report, mula sa Gaisano Capital sa may Roxas Ave. Ext. ang babae nang pumara ito ng tricycle para sana magpahatid sa sakayan sa Oyotorong St.

Ngunit bago umano ito pasakayin ng driver ay sinabi nito na P150 ang kaniyang ibayad para hindi na umano ito magpasakay pa ng ibang pa sahero.

Hindi naman pumayag ang babaeng pasahero at sinabing pwede naman siyang magpasakay ng iba pero hindi pumayag ang driver.

Dahil dito, nilista umano ng babae ang body number ng tricycle tsaka umalis at minabuting iparecord ang nangyari sa mga kapulisan para sa karampatang disposisyon.