Connect with us

Aklan News

Suspek sa pananaga ng isang lalaki nitong biyernes sa Kalibo, sasampahan na ng kaso

Published

on

Suspek sa pananaga ng isang lalaki nitong biyernes sa kalibo, sasampahan na ng kaso

Mahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek sa sumaksak sa isang lalaki sa Purok 2 C. Laserna St.,Poblacion, Kalibo nitong gabi ng Biyernes.

Ang naturang suspek ay kinilalang si Antonio Pamposa habang ang biktima naman ay si Osias Zaulda na parehong nasa impluwensya ng alak.

Matatandaang, naganap ang insidente nang titigan umano ng masama ni Zaulda ang suspek na si Pamposa at dumura pa habang nakatingin dito na siyang ikinapikon ng suspek.

Dahil dito, sinaksak ni Pamposa si Zaulda na tumama sa kaniyang tiyan at kamay.

Agad ding naaresto ang suspek at ngayon ay nakatakda iharap sa korte para harapin ang kaukulang kaso.