Health
Pagtaas ng Mpox Cases sa Pilipinas Umabot na sa 14: DOH
MANILA — Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na hindi pa kailangan i-activate ang Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kahit na tumaas ang bilang ng active mpox cases sa bansa na umabot na sa 14 mula noong Agosto.
Ayon sa DOH, hindi kailangan ang mask-wearing mandate o lockdown para kontrolin ang mpox dahil mababa ang panganib nito. Iminungkahi ni Herbosa na umiwas lamang sa malapitang skin-to-skin contact at maging masinop sa paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang impeksyon. Dagdag pa rito, sinabi ni Herbosa na layunin ng ahensya na mapanatili ang zero mortality rate ng mpox sa Pilipinas habang inaasahan nilang tataas pa ang mga kaso dahil mas maraming pagsusuri ang isinasagawa.
Sa isang press briefing, sinabi ni DOH Sec. Herbosa na hindi delikado ang sakit na ito kaya walang dahilan para mag-alala. ‘The nature of the disease is it’s really very mild. There is no cause for alarm because it can be controlled easily and break the chain of transmission.’ Dagdag pa ni Herbosa, kahit na posibleng pumasok ang mas malalang Clade 1B sa bansa, hindi pa rin niya tinuturing na sapat na dahilan para buhayin ang IATF.
Aniya, ‘Naisip ko kahit may (Clade) 1B na diyan, basta walang namamatay at marami nagrerecover. Kahit mag 100 ang cases mpox Clade II ako eh, di ako mag activate because the measure will still be the same.’
Ang mpox ay natukoy na sa hindi bababa sa tatlong rehiyon: National Capital Region, Calabarzon, at Cagayan Valley. Anim pang kaso ang kinumpirma ng DOH ngunit hindi na nagbigay ng detalye tungkol dito maliban sa ito’y dahil sa mga di-kilalang sexual encounters.
Paliwanag ni Herbosa, kaya tumaas ang mga kaso ay dahil mas marami nang tests na ginagawa kasunod ng pagtaas ng kamalayan ukol sa virus. Nagbabala rin siya laban sa pagiging abala sa bilang ng mga nagkakaroon ng impeksyon dahil ito’y ‘no public health value’.
Sinabi niya, ‘Whether it’s one [case] or 100 the response is the same. Ang nangyayari dito tinatakot mo lang, causing people to panic.’ Ang kabuuang mpox cases sa bansa mula 2022 ay nasa 23 kung saan 14 dito ay active pa rin. Ang mga pasyente bilang 10 at 11 ay nakalabas na ng ospital at ngayo’y naka-home isolation hanggang matanggal ang kanilang scabs.
Sinabi ni Herbosa na nangangailangan ng pondo na aabot sa P158 milyon ang DOH para tugunan ang mpox sa loob ng susunod na tatlong buwan. Kasama rito ang test kits, campaign materials, seminars at trainings para sa mga laboratories at pakikipag-ugnayan sa mga pangunahing sektor ng populasyon.
Kasalukuyang may negosasyon na sa mga karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya para sa suplay ng mga bakuna.