Connect with us

Aklan News

39 anyos na lalaki, arestado sa pagpapasabong ng mga gagamba

Published

on

Arestado ang isang lalaki matapos na maaktuhan ng mga otoridad na nagpapasabong ng mga gagamba sa Brgy. Buenafortuna, Nabas nitong Lunes.

Kinilala ang naarestong si Ryan Espedillon, isang driver at residente ng lugar.

Batay sa Nabas PNP, nagsasagawa ng pagpapalaban sa mga gagamba o spider derby na may pustahan ang suspek nang mahuli sa akto kahapon ng alas-4:30.

Nakuha sa kanya ang tatlong spider box, isang stick at mga taya na nasa P300.

Dinala ang mga ito sa Nabas MPS para sa karampatang disposisyon.

Kasong paglabag sa PD 1602 o “Illegal Gambling ang kahaharapin ng suspek.