National News
SSS: Pension Loan Program Para sa mga Pensionado, Alok Na Walang Hassle
Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga retiradong pensyonado na subukan ang kanilang Pension Loan Program na walang hinihinging documentary requirements at collateral. Puwedeng mag-apply ang mga kwalipikadong pensioners sa mga SSS offices o online sa my.sssaccount.
Maaaring makapag-loan ng hanggang 200,000 pesos basta’t may maiiwang 47.25% ng buwanang pension kapag sinimulan na ang monthly amortization. Ang programang ito ay may 10% annual interest rate. Sinimulan ito ng SSS noong 2016 at ang buwanang amortization ay awtomatikong ibabawas sa pension.
Ayon kay Robert De Claro, SSS Commissioner, “As long as you are an eligible pensioner, hindi dapat mahirap mag avail nitong pension loan program.” Ipinapakita nito na ang programa ay accessible para sa mga karapat-dapat na pensyonado.
Sa kasalukuyan, mayroong 3.5 milyong pensioners ang SSS. Upang masiguro ang pangmatagalang kalusugan ng pension funds, target ng SSS na makakuha ng 4 milyong bagong miyembro ngayong taon. Nitong Hulyo, nakapagtala na ng 2.7 milyong bagong rehistro sa insurance system ang SSS.