Connect with us

Aklan News

Babaeng content creator, nabiktama ng budol-budol

Published

on

NABIKTIMA ng budol-budol ang isang babaeng content creator na nagstop-over lamang sa bayan ng Numancia para bumili ng tubig.

Kwento ni Irish Fulgencio sa Radyo Todo, mula sila sa bayan ng Kalibo at pauwi na sana ng Ibajay sakay ng kanilang sasakyan ng tumigil muna sa sila para bumili ng tubig.

Nang nakabili na sila ay may tumigil na isang kotse tsaka lumabas ang driver nito na nagpakilala sa pangalang Angelo Reyes Mariano na taga Cavite.

Ayon sa biktima, nanghingi sa kaniya ng tulong ang lalaki na mula sa Roxas dahil na short umano ito sa pera na pamasahe para makauwi sa Maynila.

Inialok umano sakanya ang isang relo na G-Shock na binili sa Saudi sa halagang P13,000 ngunit ibebenta lang nito sa biktima ng P2,500 pandagdag sa pamasahe.

Nakumbinsi naman ni Mariano ang biktima dahil pinakita nito ang resibo pati ang kaniyang ID at hinayaan pa nitong kuhaan ng litrato.

Kahit may kunting pagdududa na umano siya ay nangibabaw parin sa kaniya ang pagtulong kaya’t binili niya ito sa halagang P2,000.

Samantala, nang i-search umano nito ang relo ay imbis makita kung original ay mga reklamo ng ibang biktima ang tumambad sa kanya at pareho ang kanilang kwento.

Dito na napagtanto ni Fulgencio na nabiktima siya ng budol-budol.

Napag-alaman na maliban sa Aklan at Western Visayas may mga nabiktima rin ang suspek sa bahagi ng Luzon.